33 brgy sa Catarman, nakaranas ng matinding pagbaha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaranas ng malawakang pagbaha ang Bayan ng Catarman, Northern Samar, dulot ng epekto ng shearline.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas Calbayog kay MDRRM Officer Emerald Guevarra, iniulat nito na umabot na sa 33 barangay ang matinding naapektuhan ng pagbaha.

Ang Catarman Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay patuloy na nagsasagawa ng monitoring sa mga apektadong lugar.

Naglilibot ang kanilang mga team upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente, at makapagbigay ng agarang tulong kung kinakailangan.

Sa ngayon, ayon kay Guevarra ay humupa na ang matataas na baha at tumigil na ang ulan simula kahapon hanggang kaninang umaga.

Pinapayuhan ang lahat ng mga residente na manatiling alerto at makinig sa mga abiso mula sa lokal na pamahalaan. | ulat ni Suzette Pretencio

Photos: MDRRMO Catarman

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us