Mahigit 400,000 waitlisted household na kwalipikado para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang na-validate na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), simula noong Oktubre 31.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, may kabuuang 1,184,768 na potential household ang nakahanda para sa validation upang matukoy kung sila ay karapat-dapat batay sa pamantayan ng programa.
Ang mga natukoy na benepisyaryo ay dapat na sumunod sa mga kondisyon at kailangang may 0-18 taong gulang na miyembro ng pamilya o kasama ang isang buntis na miyembro ng pamilya sa oras ng pagpaparehistro.
Sa sandaling na-validate at napatunayang kwalipikado, papalitan ang mga benepisyaryo na lumabas na sa programa.
Noong Hulyo 2023, iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang re-assessment sa mga benepisyaryo ng 4Ps na tinaguriang “non-poor” ng Listahanan 3.
Ang re-assessment ay nagresulta sa reinstatement ng mahigit 700,000 4Ps beneficiaries.| ulat ni Rey Ferrer