Pinaghusay ng administrasyong Marcos Jr. ang mga hakbangin upang protektahan ang “purchasing power” ng mga Pinoy mula sa mataas ng presyo ng bilihin na nagresulta ng pagpapanatili ng inflation sa target range.
Sa kabuuan ng taon, naitala ang inflation rate sa 3.2%, na pasok sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) target range na 3.1% hanggang 3.3%, at mas mababa kumpara sa 6% noong 2023.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, maituturing itong magandang development para ngayong taon kung saan matagumpay na naibaba ang inflation sa steady pace sa kabila ng mga kalamidad na tumama sa bansa.
Aniya, ito ay bunga ng “whole-of-government approach” upang tiyakin ang seguridad ng pagkain.
Ang pagbaba ng presyo ng bigas sa pamamagitan ng EO-62 at pagpapatayo ng mas maraming Kadiwa stores ay nakatulong sa pinakamahihirap na kabahayan.
Muling tiniyak ng Kagawaran ng Pananalapi ang kanilang koordinasyon sa iba pang mga ahensya ng gobyerno upang mapababa naman ang non-food items. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes