AFP at PNP, nangakong pangangalagaan ang mga prinsipyong ipinaglaban ni Dr. Jose Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang katapatan sa demokrasya at mandato ng Konstitusyon.

Ito ang binigyang-diin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa wreath-laying ceremony sa Luneta Park sa Maynila kaninang umaga kasabay ng paggunita sa ika-128 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal.

Ayon kay Brawner, tapat ang AFP sa mga ideyalismo ni Rizal.

Sa isang hiwalay na pahayag, nangako rin ang PNP na poprotektahan ang mga “democratic principles” na isinulong ng pambansang bayani.

Ang mga pahayag ng AFP at PNP ay kasunod ng sabayang pagtataas ng watawat sa mga makasaysayang lugar sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rizal Day. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us