AFP, nanindigan na tuldukan ang insurgency sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng ika-56 na anibersaryo ng CPP-NPA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan ang insurgency na dulot ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang ika-56 na anibersaryo ngayong araw.

Sa isang pahayag, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., humina na ang kakayahan ng CPP-NPA dahil sa tuloy-tuloy na operasyon at whole-of-nation approach ng gobyerno.

Aniya, isa na lang ang natitirang guerrilla front na nakatakdang buwagin.

Nanawagan naman ang AFP sa mga natitirang miyembro ng CPP-NPA na talikuran na ang armadong pakikibaka, magbalik-loob sa kanilang pamilya, at makibahagi sa mga programang pangkapayapaan ng pamahalaan.

Ani Brawner, handang tumulong ang AFP, kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa reintegration programs para sa mga susuko.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us