Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Intelligence Command head Lt. Gen. Ferdinand Barandon na walang dapat ikabahala ang publiko dahil walang namumuo at wala ring usap-usapan ng kudeta sa hanay ng militar sa gitna ng inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Barandon ang pahayag sa kanyang pagharap sa Commission on Appointments (CA) para sa promotion ng kanya at iba pang military officers.
Sa pagdinig ng CA committee, natanong ni Congressman Masrvey Mariño kung may dapat bang ikatakot kapag mayroong impeachment cases sa ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.
Tugon ni Barandon, propesyunal at mission-oriented ang mga miyembro ng AFP. Susunod aniya sila sa chain of command.| ulat ni Nimfa Asuncion