Kamakailan, inilunsad ang Omar Agrarian Reform Community (ARC) ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) sa Covered Court sa barangay Lahing-Lahing sa bayan ng Omar, Sulu.
Dinaluhan ito ng mga opisyal at tauhan ng Lokal na Pamahalaan ng Omar sa pangunguna nina Mayor Abdulbaki J. Adjibon at Vice Mayor Juddin-Nur Dam Pantasan.
Naroon din ang mga Agrarian Reform Beneficiaries ng nasabing ARC.
Sinaksihan naman ito ng mga kinatawan mula sa MAFAR sa pangunguna ng provincial director na si Engr. Alfie Iribani, pati na rin ng Ministry of Trade, Investment and Tourism, Ministry of Environment, Natural Resources and Energy, at mga kinatawan mula sa AFP at PNP. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo