Isang simpleng salu-salo ang isinagawa ng Ako Bicol party-list sa pangunguna ni Rep. Elizaldy Co para sa mga PDL ng BJMP-Legazpi City.
Aniya, hindi hadlang ang mga rehas ng piitan upang makapaghatid ng saya at pag-asa sa mga PDL.
Bukod sa pagkain, namahagi rin ang Ako Bicol ng hygiene kits sa mga PDL, grocery packs na may kape, noodles, at biskwit, at iba pang personal na kagamitan gaya ng tuwalya, tsinelas, kumot, at banig.
Katuwang ang TESDA at ilang pang vocational institution, may handog din na libreng gupit, masahe, at nail care sa mga PDL.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga PDL dahil anila, kahit pala sila ay hindi malaya, maaari pa rin nilang maramdaman ang saya ng kapaskuhan. | ulat ni Kathleen Forbes