Tatlumput apat (34) na Indian companies ang binigyan ng accreditation ng Department of Agriculture (DA) para magsuplay ng frozen buffalo meat, o mas kilala na carabeef.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nais ng DA na mapalawak ang pagkukunan ng meat products para sa food processors sa bansa, at mapababa ang gastusin sa mga produkto tulad ng corned beef.
Aniya, ang accreditation ng mga karagdagang Indian meat exporters ay naaayon para makaakit ng marami pang dayuhang kumpanya sa merkado ng Pilipinas.
Kasama sa listahan ng accredited Indian meat exporters ang anim na kumpanya na una nang naaprubahan noong 2019.
Ang bagong accreditation ay may bisa sa loob ng tatlong taon, na mag-e-expire sa Disyembre 12, 2027. | ulat ni Rey Ferrer