Isang malaki at makasaysayang hakbang para sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ang bagong lagda na RA 12078 o Amyenda sa Agricultural Tariffication Act.
Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga hindi lang tutugunan ng batas na ito ang mga hamon sa sektor ng agrikultura ngunit pangmatagalang solusyon din para sa food security at pagpapalakas sa mga magsasaka.
“With this important step, we strengthen our efforts to empower farmers, make rice more affordable for all Filipinos, and build a sustainable and self-sufficient agricultural framework. This lays the foundation for a stronger and more stable agricultural sector for the benefit of our nation,” saad ni Enverga.
Napapanahon din aniya ang batas na ito dahil sa hinaharap na kaklulangan sa suplay ng bigas ng bansa.
Bahagi ng batas ang pagpapalawig sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng anim na taon pa at pinataas sa P30 billion ang taunang alokasyon na ilalaan para sa mga magsasaka.
“The law equips the Department of Agriculture and the President with enhanced regulatory functions and price stabilization powers to address market volatility and ensure that rice remains affordable for every Filipino household. Furthermore, the initiatives under RCEF, such as seed development, modern farming equipment, low-interest credit, farmer training, composting facilities, pest management, solar irrigation systems, and soil health improvement, are transformative measures that will not only increase productivity but also modernize and sustain the agricultural sector,” sabi pa ni Enverga.
Nagpasalamat naman ang chairperson sa liderato ni Speaker Martin Romualdez sa kanilang pagsuporta sa panukalana isa aniyang patotoo sa nagkakaisang hangarin ng pamahalaan para suportahan ang agricultural sector.| ulat ni Kathleen Forbes