Mas pinag-ibayo pa ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang kampanya para tugisin ang mga gumagamit ng mga fake travel documents.
Kasabay ito ng paglulunsad sa bagong forensic laboratory na siyang susuri sa mga dokumento na ipiniprinsinta ng mga lalabas at papasok ng Pilipinas.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ang state-of-the-art facility ay bahagi ng BI Anti-Fraud Section na may kakayahang mag-detect ng mga fraudulent documents upang mapalakas ang border security ng bansa.
Ang forensic document laboratory ay armado ng state-of-the-art tools tulad ng video spectral comparator, IOM verifier, at forensic document microscopes.
Sa pamamagitan ng nasabing aparato, malalaman agad ng isang Immigration agent kung ang isinumite na dokumento ay peke dahil sa kakayahan ng microscopic-level analysis.
Ang bagong forensic laboratory ng BI ay unang magagamit sa Clark International Airport matapos itong ilunsad ng BI. | ulat ni Mike Rogas