Bagong guidelines para sa pagsuspinde ng klase at trabaho sa mga paaralan sa panahon ng kalamidad, inilabas ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpalabas ang Department of Education (DepEd) ng bagong alituntunin para sa pagsuspinde ng klase at trabaho sa mga paaralan sa panahon ng bagyo, baha, lindol, matinding init, at iba pang emergency.

Batay sa DepEd Order Number 22 series of 2024, kinakailangang magkaroon ang mga paaralan ng Learning and Service Continuity Plans o LSCP.

Layon nito na masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro habang hindi naaantala ang kanilang pag-aaral.

Kabilang sa LSCP ang pagpapatupad ng Alternative Delivery Modes tulad ng modular distance learning, online education, o blended learning.

Nakapaloob din sa guidelines ang pag-iingat at pagtatago ng learning materials at devices, upang hindi masira sa panahon ng kalamidad. Kasama rin sa plano ang pagmomobilisa ng mga guro, punong-guro, at iba pang kawani ng paaralan sa panahon ng emergency.

Hinihikayat naman ng DepEd ang tulong ng mga local government unit, magulang, at community organization para sa maayos na implementasyon ng LSCP. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us