Dapat pa ring ipagmalaki ang bagong disensyo ng polymer money na inilabas mg Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ito ang iginiit ni House Committee on Civil Service chair Kristine Alexie Tutor.
Aniya, maikukumpara ito sa iba pang banknotes sa Europa at Asya.
Bukod sa anti-counterfeiting features ay mas maliit din aniya ang carbon footprint nito.
Diin pa ni Tutor na ang bagong disenyo ay hindi nakakabawas sa pagka-Pilipino at nasyunalismo.
Ibinibida pa rin naman kasi aniya nito ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga hayop at flora at fauna na makikita dito sa bansa.
Suportado naman ng lady solon na ipagpatuloy pa rin sa sirkulasyon ang lumang disenyo ng paper money kung saan bida ang mga bayani at dating presidente ng Pilipinas.
“These new banknote series do not in any way diminish the expression of Filipino nationalism because they depict other aspects of Filipino pride. Honoring our heroes is but one of many ways of expressing Filipino pride. I invite everyone to take the time to appreciate the beauty and elements of the polymer banknotes. Let us not be quick to judge the Bangko Sentral.” ani Tutor. | ulat ni Kathleen Forbes