Nagtaasan na ang ilang pangunahing bilihin sa Pasig City Mega Market, limang araw bago ang Pasko.
Ang manok ay nasa ₱210 ang kada kilo, sa baboy naman, ang kasim ay nasa ₱320 ang kada kilo, habang ang liempo ay nasa ₱370 ang kada kilo.
Sa presyo naman ng isda, ang galunggong ay naglalaro sa ₱280 hanggang ₱300 depende sa laki, bangus ay naglalaro naman sa ₱220 hanggang ₱230, at tilapia ay nasa ₱130-₱140 ang kada kilo.
Tumaas din ang presyo ng gulay partikular na ang luya na nasa ₱180 hanggang ₱200 ang kada kilo, kamatis ay nasa ₱200 ang kada kilo, bawang ay nasa ₱160 ang kada kilo, at sibuyas ay nasa ₱120 ang kada kilo.
Ang repolyo, talong at carrots ay kapwa nasa ₱100 ang kada kilo habang ang pechay-Baguio ay nasa ₱80 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala