Isinusulong ngayon ni Batangas Rep. Gerville Luistro na bumalik ang Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).
Kasunod ito ng panawagan kamakailan ng European Union (EU) na pag-isipan ng bansa ang ginawang pag-alis nito sa ICC noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“There must be a court of last resort – which will complement domestic courts – that will investigate and, where warranted, try individuals charged with the gravest crimes of concern to the international community, namely: genocide; war crimes; crimes against humanity; and the crime of aggression,” ani Luistro sa isang pahayag.
Aniya ang pagbabalik ICC ng Pilipinas ay sang-ayon sa hustisya at pagpapanatili ng karapatang pantao at makataong dignidad.
Pagtitibayin din aniya nito ang commitment ng bansa sa international norms at mapapalakas ang legal framework sa pagpapanagot ng mga may-sala ng grave crimes ano man ang kanilang posisyon o katayuan.
“It is imperative for the Philippines to take an unqualified position in its membership in the ICC, not to mention that these commitments are anchored on values that are parallel with that of the Philippines, as enshrined in the Bill of Rights of the 1987 Philippine Constitution,” sabi ng lady solon.
Sabi pa ng kongresista na sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong 2019 ay maling mensahe ang ipinarating nito sa international community lalo na pagdating pagbibigay proteskyon sa human rights at ang pagkilala ng Pilipinas sa mga international treaties.
“It sent the wrong message to the international community that we were unwilling to uphold the protection and promotion of human rights, which should be inherent to every individual, and displayed the fragility of our democratic institutions. At its core, the withdrawal from the ICC signified to our people that our Government’s commitment to international treaties, more importantly to our domestic laws, is malleable enough and can be distorted to the whims of a select few,” dagdag pa ni Luistro. | ulat ni Kathleen Forbes