Long overdue nang maituturing ayon kay Senate President Chiz Escudero ang pagbibigay ng VAT refund sa mga dayuhang turista sa bansa.
Ito ang pahayag ng Senate leader kasunod ng pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Republic Act (RA) 12079 o ang VAT Refund for Non-Resident Tourists Law.
Ayon kay Escudero, matagal nang pinapatupad ng ibang mga bansa ang VAT refund mechanism.
Sa tulong aniya ng pagsasabatas nito sa Pilipinas, inaasahang mapapalakas ang ekonomiya ng bansa at makakagawa ng dagdag na mga trabaho para sa mga Pilipino bilang ang tourism sector ay isa sa mga consistent contributor sa ekonomiya ng bansa.
Pinunto ng senador na umaabot ng P120,000 ang average na ginagaston ng isang dayuhang turista sa pagbisita nila sa Pilipinas, bagay na malaking tulong sa mga lokal na negosyante at ekonomiya.
Giit ni Escudero, sa pamamagitan ng pag-aalok ng VAT refund ay maaasahang makakahikayat pa tayo ng dagdag na mga turista sa Pilipinas at makakakumpitensya na rin tayo sa mga kalapit-bansa natin sa Asya para maikonsidera bilang isang premier destination for travelers.| ulat ni Nimfa Asuncion