Umaasa ang ilang nagtitinda ng prutas sa kahabaan ng Elliptical Road, sa Quezon City na bumuti na ang panahon para gumanda ang kanilang kita.
Kumpara kahapon ay mas matumal raw kasi ang bentahan nila ngayon ng prutas dahil sa maulang panahon kanina pang umaga.
Ang iba ngang nagtitinda, hindi na raw magtataas ng benta para lang maubos na ang paninda.
Sa ngayon, narito ang presyo ng ilang prutas na ibinebenta sa Elliptical Road sa QC:
Grapes – ₱250 kada kilo
Longgan – ₱250 kada kilo
Orange – ₱10 kada piraso
Suha – ₱80 kada piraso
Mangga – ₱200 kada kilo
Dalandan – ₱50 kada tumpok
Bayabas – ₱50 kada piraso
Melon – ₱100 kada kilo
Peras – ₱100 kada tumpok
Dragon fruit – ₱200 kada kilo
Persimmon – ₱50 kada piraso
Papayagan ang pagbebenta ng prutas sa tabi ng City Hall hanggang bukas, December 31.
Maaari naman daw bumili na ng prutas ngayon dahil tatagal ang mga ito ng tatlo hanggang apat na araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa