Buong pwersa ang Bureau of Immigration (BI) port personnel ngayong Kapaskuhan para siguraduhing maayos ang biyahe ng libo-libong pasahero sa mga paliparan at iba pang port of entry and exit sa buong bansa.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, naka-deploy na ang mga frontline personnel ng ahensya sa Ninoy Aquino International Airport, pati na sa mga paliparan sa Clark, Mactan, Davao, at Kalibo, gayundin sa Zamboanga International Seaport.
Simula December 15 hanggang January 15, ipatutupad ng BI ang leave ban sa lahat ng port personnel nito upang matiyak na sapat ang manpower sa kasagsagan ng holiday rush.
Dagdag pa ni Viado, naka-deploy na rin ang mahigit 30 karagdagang BI officers upang tumulong sa frontline operations, habang nakapwesto na rin ang mobile counters para mapabilis ang proseso ng mga pasahero.
Inaasahan ng BI ang pagdagsa ng halos sa 110,000 biyahero ngayong holiday season. | ulat ni EJ Lazaro