Siniguro ni Bureau of immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado, na mananatiling maayos ang operasyon ng kanilang opisina sa mga paliparan ngayong kasagsagan ng holiday season.
Ayon kay Viado, wala silang naitalang ano mang major incidents o concerns nitong panahon ng kapaskuhan.
Dahil dito ay positibo si Viado, na ang naturang maayos na operasyon ay magpapatuloy hanggang matapos ang bagong taon lalo pa at dadagsa na ang mga lalabas ng bansa matapos ang nasabing selebrasyon.
Matatandaang una nang inilatag ng pamunuan ng Bureau of Immigration ang mga hakbangin nito, para matiyak ang maayos na operasyon ng kanilang opisina ngayong holiday season. | ulat ni Lorenz Tanjoco