Umarangkada ngayong umaga sa Quezon City ang “bike ride event” bilang pakikiisa sa 18 araw na kampanya para wakasan ang Violence Against Women (VAW).
Tinawag ang aktibidad na Cycle to End VAW Bike Ride na tatagal hanggang alas 10 ng umaga.
Dahil sa mga aktibidad, inaasahan na ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa Tomas Morato Ave., Don A. Roces Ave., Mother Ignacia Ave., Sct. Limbaga St., Sct. Tobias St. at Timog Ave.
Kasabay nito ang inilunsad ding Car-free; Carefree Tomas Morato, mula alas 5 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga.
Sarado na sa mga motorista ang kahabaan ng Tomas Morato Avenue mula Timog Avenue hanggang Don Alejandro Roces Avenue.
Sarado rin ang mga kalsada ng Sct. Tuason / Sct. Limbaga,Sct. Tuason / Sct. Fuentebela,Sct. Tuason / Sct. De Guia,Sct. Tuason / Dr. Lazcano,Sct. Tuason / Sct. Lozano,Sct. Torillo / Sct. Rallos,Sct. Torillo / Sct. Fernandez,Sct. Torillo / Sct. Gandia ,Sct. Torillo / Sct. De Guia, Sct. Tuason / Dr. Lazcano, Sct. Tuason / Sct. Delgado,Sct. Tuason / Sct. Castor, Sct. Delgado / Sct. Torillo at Sct. Torillo / Sct. Castor.
Sa abiso ng LGU, ito’y bunsod ng isang ordinansa na layong isulong ang active mobility sa lungsod.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga itinapagang alternatibong ruta.| ulat ni Rey Ferrer
