Umakyat na sa 142 ang bilang ng mga tinamaan ng paputok, dalawang araw bago ang Bagong Taon.
Ito ang datos na inilabas ng Department of Health (DOH) matapos makuha ang mga bilang sa lahat ng ospital sa buong bansa.
Sa 142 na mga tinamaan ng paputok, 127 dito ay mga lalaki, habang 15 ang mga babae.
Nasa 115 naman sa mga biktima ay may edad 19 pababa, habang ang 27 ay edad 20 pataas.
Sa mga tinamaan ng paputok, 104 na mga kaso ay dulot ng iligal na paputok tulad ng Boga, 5-star, at Piccolo.
Kaya ang paalala ng DOH, huwag humawak o gumamit ng paputok at lumayo sa mga nagpapaputok.
Ipagbigay alam sa awtoridad ang nagpapaputok sa publikong lugar at kung sakaling masabugan ng paputok, pumunta agad sa pinakamalapit na health center o tumawag sa 911 o 1555. | ulat ni Mike Rogas