Lumobo pa ang mga pamilyang inilikas mula sa paligid ng Bulkang Kanlaon habang nagpapakita pa ito ng aktibong aktibidad.
Hanggang alas dose ng tanghali kahapon, umabot na sa 5,494 pamilya o 18,612 na indibidwal ang apektado ng pagputok ng bulkan.
Ayon sa datos ng DSWD-Disaster Response Operation, Monitoring and Information Center, 3,655 pamilya sa kabuuang bilang o 12,270 indibidwal ay nasa 23 evacuation centers habang ang iba ay nakitira sa kanilang kaanak at kaibigan.
Kahapon, ipinatupad ang forced evacuation sa iba pang pamilya sa loob ng 6km Permanent Danger Zone ng Mt Kanlaon.
Kabilang sa apektadong barangay ang Cabagna-an at Barangay Biaknabato sa La Castillana at San Carlos City sa Negros Occidental at Barangay Masulog sa Canlaon City sa Negros Oriental.
Nanatili pa ring nakataas sa alert level 3 ang Bulkang Kanlaon.| ulat ni Rey Ferrer