Tumaas ang bilang ng mga batang nagpakamatay at nagtangkang magpakamatay.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), mayroong 254 na kaso ng suicide na naitala ngayong school year 2023-2024. Mas mataas ito kumpara sa 198 na kaso noong nakaraang taon at 138 noong 2022.
Tumaas din ang bilang ng mga batang nagtangkang magpakamatay na umabot sa 1,492 ngayong school year, mula sa 941 noong 2023, at 519 noong 2022.
Dahil dito, ikinalugod ng DepEd ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na sa pamamagitan ng batas na ito, masisiguro na hindi lang sa academics magiging mahusay ang mga mag-aaral, kundi pati na rin sa kanilang mental health.
Kabilang sa bagong batas ang pagpapalit ng mga guidance office bilang ‘care centers,’ at pagtatayo ng mental health center sa mga Schools Division Office.| ulat ni Diane Lear