Dalawang kaso ng fireworks-related Injuries ang nadagdag sa Quezon City.
Batay sa tala ng QC Epidemiology and Surveillancw Division, kabilang sa nadagdag na biktima ang isang 8-taong gulang na batang lalaki at isang 61-taong gulang na babae.
Sa kabuuan, 10 na o katumbas ng 67% sa mga naputukan ay mga bata na 17-taong gulang pababa.
Wala namang naiulat na nasawi at lahat ay kasalukuyang nagpapagaling.
Mahigpit na hinihikayat ang publiko na huwag gumamit ng anumang uri ng paputok. | ulat ni Merry Ann Bastasa