Bilang ng mga nabiktima ng paputok sa QC, umabot na sa 13 — QC-CESU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa Quezon City.

Batay sa pinakahuling Fireworks-Related Injury (FWRI) Surveillance Update ng QC Epidemiology and Surveillance Unit, umabot na sa 13 ang kaso ng Fireworks-Related Injuries sa lungsod.

Dalawang bagong kaso ang naidagdag noong Sabado, December 28.

Sa kabuuang bilang ng mga biktima, 9 o katumbas ng 69% ay mga bata edad 17 taong gulang pababa.

Wala namang naiulat na nasawi sa mga biktima at lahat ay kasalukuyang nagpapagaling matapos masuri at magamot sa ospital.

Patuloy pa ring hinihikayat ang publiko na huwag gumamit ng anumang uri ng paputok at sa halip ay tangkilikin nalang ang alternatibong pampaingay katulad ng torotot, tambol, at musika sa pagsalubong ng 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us