Bilang ng mga namamatay sa road accident tuwing holiday season, puro mga nakainom — DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang pagmamaneho kung uminom lalo na ngayong holiday season.

Ang apela ay ginawa ni Health Secretary Teodoro Herbosa matapos maitala ng DOH na malaking bilang ng mga road accident ay mga taong nakainom ng alak.

Payo ng kalihim sa mga uminom na iwasan ang magmaneho o kaya ay magtalaga na lamang ng isang tao na magmamaneho ng sasakyan.

Sa mga kaso ng road accident, pawang ang mga nakamotorsiklo ang may mataas na bilang ng mga naaksidente. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us