Bilang ng mga nasabat na iligal na paputok ng PNP sa buong bansa, pumalo na sa kalahating milyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang aabot sa ₱2.4 milyong halaga ng mga iligal na paputok ang nasabat ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga ikinasang operasyon buhat nang pumasok ang buwan ng Disyembre.

Binubuo ito ng nasa 500,000 o kalahating milyong piraso ng paputok na kanilang nakumpiska.

Batay naman sa datos ng PNP, aabot sa 19 na indibiduwal ang kanilang naaresto kabilang na ang dalawang menor de edad dahil naman sa pagbebenta ng paputok online. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us