Ipinaliwanag ni Tourism Secretary Christina Frasco, na bagamat posibleng hindi maabot ng bansa ang target number of tourist nito ngayong taon ay may ilan aniyang dahilan kung bakit nangyari ito.
Giit ni Frasco, ilan sa mga hamon na hinarap ng sektor ng turismo ay ang malaking kabawasan sa Chinese tourists bunsod ng sitwasyon sa bansa, partikular ang issuance ng e-visa na una nang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Pero sa kabila nito ay binigyaang diin ng kalihim, na sa halip na tingnan ang bilang ng turistang dumating sa bansa ay higit na mahalaga aniya ang kinita ng Pilipinas, mula sa mga turistang bumisita sa ating bayan o tourism receipts.
Aniya, posibleng pumalo sa mahigit P697 billion ang kinita ng mga Pilipino mula sa bisita ng Pilipinas.
Mas mahalaga aniya ang nasabing numero, dahil ito ang direktang napapakinabangan ng mga nasa tourism sector mula sa mga tour guide, negosyo, at manufacturers. | ulat ni Lorenz Tanjoco