BIR, magkakasa ng Nationwide crackdown sa nagbebenta at gumagamit ng pekeng PWD ID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakilos na ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. ang lahat ng mga opisyal ng ahensya para makiisa sa kampanya kontra sa paggamit ng mga pekeng Person with Disability (PWD) identification cards (ID).

Ayon kay Comm. Lumagui, maituturing na tax evasion scheme ang naturang gawain na batay sa imbestigasyon ng senado ay nagdulot ng P88B pagkalugi sa pamahalaan.

Dahil dito, magkakasa na aniya ang BIR ng nationwide crackdown sa mga fake PWD ID sellers at users sa bansa.

Kabilang dito ang tax audits sa mga transaksyon sa mga nagpapadiscount gamit ang PWD ID sa ibat ibang establisyimento.

Makikipagtulungan din ang BIR sa Department of Health at National Council on Disability Affairs, para sa pagberipika ng PWD IDs na isinusumite sa mga establisyimento.

“People who sell and use fake PWD IDs are not only committing tax evasion, they are also disrespecting legitimate and compliant PWDs. The discount given by law to PWDs is for the improvement of their well-being and easing of their financial burden. It is not some common discount card that is accessible to the general public.” Commissioner Lumagui.

Sa impormasyon naman ng BIR, ang bentahan ng mga pekeng PWD id ay kadalasang ginagawa sa online marketplaces. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us