Brand labels sa imported na bigas, balak tanggalin ng DA para labanan ang manipulasyon sa presyo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na plano nilang alisin ang mga brand label sa imported na bigas para labanan ang pagmamanipula sa presyo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. napansin ng DA sa kanilang mga pagbisita sa mga palengke na sadyang ginagamit ang mga brand label para lituhin ang mga mamimili at pataasin ang presyo ng bigas.

Ipinag-utos din ng kalihim na alisin ang mga salitang “premium” at “special” sa imported na bigas. Hindi naman kasama sa direktibang ito ang mga lokal na bigas, para protektahan ang mga Pilipinong magsasaka at traders.

Binigyang-diin ni Secretary Laurel, na prebilehiyo at hindi karapatan ang pag-import ng bigas. Hindi aniya nila ilalabas ang import permits kung hindi susunod ang mga trader sa regulasyon.

Base sa datos mula sa retailers at importers, P6 hanggang P8 mark-up lamang kada kilo ang dapat na dagdag sa imported na bigas.

Halimbawa, kung P40 ang bili sa Vietnam, dapat hindi lalagpas sa P48 ang presyo sa palengke.

Pinag-aaralan din ng kalihim ang posibilidad na payagan ang mga korporasyon ng gobyerno tulad ng Food Terminal Inc., na mag-import ng bigas para makipagkumpetensya sa mga pribadong importer. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us