Anim na beses pang nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24-oras, ayon yan sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng 12 hanggang 84 minuto ang naitalang aktibidad.
Naiulat din ang 23 volcanic earthquakes sa bulkan kabilang ang 11 volcanic tremors na tumagal ng pito hanggang 74 na minuto.
Nagpapatuloy rin ang makapal at walang patid na pagsingaw sa bulkan na umabot ng 200 metro ang taas.
Habang nasa 6,559 tonelada rin ang inilabas nitong sulfur dioxide flux.
Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa