Patuloy pa rin ang aktibidad at “pamamaga” ng Bulkang Kanlaon sa Negros.
Sa datos na inilabas ng PHIVOLCS, dalawang beses na muling nagbuga ng abo ang bulkan sa nakalipas na 24-oras.
Tumagal ito ng 59 hanggang higit isang oras.
Bukod dito, nagkaroon din ng 20 volcanic earthquakes kabilang ang pitong volcanic tremors na tumagal ng 29-92 minuto.
Naglabas din ang bulkan ng 6,014 na tonelada ng sulfur dioxide flux sa nakalipas na 24-oras.
Bukod pa sa 400 metrong taas na makapal pagsingaw.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatili sa Alert Level 3 ang Mt. Kanlaon at posible pa rin ang biglaang pagputok ng bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa