Bulkang Kanlaon, patuloy sa pagbuga ng abo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang namo-monitor ng PHIVOLCS na aktibidad at pamamaga ng Bulkang Kanlaon sa Negros.

Sa datos na inilabas ng PHIVOLCS, muling nagbuga ng abo ang bulkan sa nakalipas na 24-oras at tumagal ng 35 minuto.

Mayroon ding limang volcanic eruption ang naitala at naglabas din ito ng 9,377 na tonelada ng sulfur dioxide flux.

Walang patid rin ang makapal na pagsingaw sa bulkan na umabot ng 750 metro ang taas.

Ayon sa PHIVOLCS, nananatili sa Alert Level 2 ang Mt. Kanlaon at posible pa rin ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion kaya inirerekomenda pa rin ang pagbabawal sa paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan at pagpasok sa apat na kilometrong Permanent Danger Zone. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us