Para kay Senador Sherwin Gatchalian, malaki ang pagkukulang ng Bureau of Immigration (BI) matapos makalabas ng bansa si Atty. Harry Roque.
Pinunto ni Gatchalian na kahit walang kinakaharap na kaso sa korte si Roque ay nasa lookout bulletin naman ito dahil na rin sa standing warrant of arrest ng Kamara laban sa kanya.
Umaasa ang senador na hindi magiging ‘Alice Guo Part 2’ ang sitwasyon ni Roque.
Pinahayag rin ni Gatchalian na nakakabahala ang ganitong sitwasyon dahil ang mga high-profile personalities gaya ni Atty. Harry Roque ay dapat madali lang i-track.
Ang panganib aniya dito ay baka dahil sa kahinaan ng ating institusyon ay wala nang maniwala sa ating mga awtoridad.
Dahil dito, pag-aaralan ng senador na maghain ng resolusyon para maimbestigahan ang ganitong usapin sa Senado.| ulat ni Nimfa Asuncion