Byahero sa PITX kagabi, daang-libo pa rin ayon sa pamunuan nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo pa rin sa halos dalawandaang-libo o 196,000 mahigit ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa Paranaque Intigrated Terminal Exchange (PITX) kahapon, December 26, 2024, Huwebes.

Ayon kay Jason Salvador, hepe ng PITX Corporate Affairs and Government Relations, daang-libo pa rin ang na-monitor nilang bilang ng mga pasahero sa kanilang terminal.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga nakukumpiskang pinagbabawal na gamit.

Sa pinakahuling tala ng PITX, umabot na sa 481 ang mga kumpiskadong kagamitan.

kabilang dito ang:

Gunting- 60
Cutter blade -71
Lighter -186
kutsilyo – 74
Itak -12
Butane gas – 55
Gasolito – 5
at mga paputok – 23

Una nang nagpaalala ang PITX sa mga parokyano nito na huwag magdala ng anumang matutulis na bagay o yung mga nag-aapoy dahil bawal ito sa kanilang terminal.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us