Caloocan LGU, muling pinaalalahanan ang publiko na ipinagbabawal ang paggamit ng boga at mga iligal na paputok sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga iligal na paputok sa lungsod.

Ito ay bilang paghahanda sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon.

Inatasan ni Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan ang Caloocan City Police Station (CCPS) at mga opisyal ng barangay na mahigpit na ipatupad ang Executive Order 040-24 at Republic Act 7183.

Ipinagbabawal ng mga kautusang ito ang paggamit ng mga mapanganib na paputok tulad ng boga, trianggulo, baby rockets, Judas’s belt, at whistle bombs. Pinagbawalan din ang mga open-pipe na motorsiklo.

Ayon kay Mayor Malapitan, huhulihin ng mga pulis ang sino mang lalabag sa mga patakaran. Habang itu-turnover sa City Social Welfare Development Department ang mga mahuhuling menor de edad.

Hinimok naman ng Caloocan LGU ang publiko na gumamit ng mga mas ligtas na alternatibong pampaingay sa pagsalubong ng 2025. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us