Caloocan Mayor Malapitan, pinatututukan ang mga ipinagbabawal na paputok, boga, at mga maiingay na motor sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inatasan ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang lahat ng mga opisyal at tanod ng barangay na mag-ikot sa kanilang nasasakupan para masigurong walang gumagamit ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng El Diablo, Judas’ belt, whistle bomb, baby rocket, sa pagsalubong ng 2025.

Maging ang paggamit ng boga o improvised cannon ay ipinagbabawal din sa lungsod.

Ayon sa alkalde, inatasan na rin nito ang Caloocan City Police Station (CCPS) na hulihin at patawan ng karampatang parusa ang mga mahuhuling nagbebenta o gumagamit ng mga ipinagbabawal na paputok kabilang na ang boga.

Itu-turn-over naman sa City Social Welfare Development Department (CSWDD) ang mga menor de edad na makikitang gumagamit ng boga o paputok.

Kasama rin sa direktiba ng alkalde ang pagbabawal sa open-pipe at maiingay na motor kaya nagtalaga rin ito ng mga checkpoint at pinaiigting ang police visibility sa mga kalsada.

Muli namang nanawagan si Mayor Malapitan sa mga residente na makiisa at ipagdiwang ang pagpasok ng taong 2025 ng ligtas, mapayapa at may malasakit sa kapwa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us