Cash remittance lumago ng 2.7 percent para sa buwan ng October 2024 — BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat ng 2.7 percent ang personal remittance para sa buwan ng Oktubre 2024.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa $3.42-billion ang October remittance, mas mataas kumpara sa $3.33-billion noong parehas na panahon ng 2023.

Ang paglago ng remittance ay mula sa land-based at sea-based workers.

Umaabot sa $3.08-billion ang cash remittance na idinaan sa bangko mula sa $3-billion noong October 2023.

Ang mataas na cash remittance ay mula sa bansang United States, Saudi Arabia, Singapore, at United Arab Emirates habang ang Amerika naman ang may largest share ng overall remittance mula January to October sinundan ng Singapore at Saudi Arabia.

Base sa datos ng Central Bank, bagamat may pagtaas ng remittance ang rate ng paglago
ay maituturing na pinakamahina ngayong taon at ito ang unang pagkakataon sa apat na buwan na ang paglago ay bumaba sa 3%. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us