Paskong Pasyalan na all in one.
Ang ilan sa mga kababayan natin ay pinili na mamasyal sa Christmas Carnival sa Marikina Riverbanks Center.
Namamasyal doon ang mga pamilya, magkakaibigan at magkasintahan.
Mayroong bazaar at carnival kung saan talagang matutuwa ang mga bata sa iba’t ibang rides.
Tampok doon ang ferris wheel, roller coaster, vikings, at iba pang rides.
Ayon sa ilang pamilyang naroroon, hindi sila nakalabas kahapon dahil sa maulang panahon.
Samantala, nakabantay naman ang Marikina PNP sa lugar upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa naturang lugar. | ulat ni Diane Lear