COMELEC, ibinasura ang petisyon na humihingi na i-disqualify si Pastor Apollo Quiboloy sa pagka-senador pero dating Caloocan City Rep. Edgar Erice, tuluyang dinisqualify sa pagtakbo 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala nang makahahadlang sa pagtakbo sa pagka-senador ng nakakulong na Kingdom of Jesus Christ Leader na si Pastor Apollo Quiboloy. 

Ito’y matapos tuluyang ibasura ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang Motion for Reconsideration na inihain ni Workers Peasant Party senatorial candidate Sonny Matula laban sa religious leader. 

Ayon sa COMELEC, walang bagong argumento na naipakita si Matula para i-disqualify si Quiboloy bilang kandidatong senador. 

Bago pa man daw kasi ang petisyon ni Matula, binawi na ni Quiboloy ang kanyang party nomination at nagpasyang kumandidato bilang independent. 

Samantala, tinuluyan naman ng COMELEC na i-disqualify bilang kandidatong congressman ng 2nd District ng Caloocan City si Edgar Erice. 

Ito ay dahil hindi niya nakumbinsi ang mga commissioner ng COMELEC na baligtarin ang naunang desisyon ng division na siya ay alisin bilang kandidato dahil sa alegasyon ng pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa umanoy pagtanggap ng suhol ng ilang matataas na opisyal ng komisyon mula sa Miru System Company Limited. 

Pero mananatili naman daw ang kanyang pangalan sa balota dahil maaari pa naman niyang iakyat sa Korte Suprema ang naturang usapin.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us