Bilang bahagi ng kanilang commitment na mabigyan ng karapatang bomoto, nagsagawa ng voters education ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Kahapon, sa Taguig City Jail ginawa ang kauna-unahang voters education sa mga bilanggo.
Isa ito sa mga paraan ng COMELEC para ihanda ang mga PDL sa tamang proseso ng pagboto sa 2025 Midterm Elections.
Noong nakaraang linggo, pumirma sa Memorandum of Agreement ang COMELEC, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Public Attorneys Office (PAO), at Bureau of Corrections (BuCor) para sa pagtutulungan na makaboto ang mga bilanggo.
Sa voters education kahapon, ipinaranas din ng COMELEC ang mga bagong automatic counting machine na gagamitin sa pagboto sa susunod na taon. | ulat ni Mike Rogas