CPP-NPA at NDF, nakararanas ng “leadership vacuum” — AFP; Komunistang grupo, nagpapapansin lang ayon naman kay Defense Sec. Gilberto Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na malabo nang makapaglunsad ng malakihang pag-atake ang Communist Party of the Philippines – New Peoples Army at National Democratic Front (CPP-NPA at NDF).

Ito ang tinuran ng AFP, kasunod ng nalalapit na anibersaryo ng Komunistang Grupo sa Disyembre 26.

Ayon kay AFP Spokesperson, Colonel Francel Margareth Padilla, patuloy na nakararanas ng ‘leadership vacuum’ sa komunistang grupo dahil sa sunod-sunod na pagtalikod ng mga pinuno nito sa armadong pakikibaka.

Patunay na aniya riyan ang matagumpay na paglulunsad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kung saan, libo-libong dating rebelde ang piniling magbalik-loob na sa pamahalaan.

Kaya walang nakikitang dahilan ang AFP ani Padilla, para magpatupad ng Suspension of Military Operation (SoMO) laban sa mga komunista gaya ng Philippine National Police (PNP).

Una rito, tinawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, na basura ang isyu ng tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA, dahil maituturing itong pakikipagkasundo sa mga terorista at kriminal.

Pinalulutang lamang aniya ito ng tinawag niyang ‘Jurassic’ group, upang magpapansin at palabasing makabuluhan pa ang kanilang presensya sa political ecosystem ng bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us