Pakatututukan ng Philippine Army ang pagpapalakas nito ng Cyber Security ng bansa.
Ito ang inihayag ni Philippine Army Chief, LtGen. Roy Galido alinsunod na rin sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bantayang maigi ang Cyber domain.
Ayon kay Galido, on track sila sa mga ginagawang hakbang para bantayan at labanan ang mga nagtatangkang pumasok sa cyber domain upang maghasik ng kalituhan at gulo.
Magugunitang sa ika-89 na anibersaryo ng AFP noong isang linggo, binigyang diin ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ang pangamba ng Pangulo na naging seryosong banta ang ginagawang “malign influence ng China”.
Pero pagtitiyak ni Galido, hindi sila tumitigil sa paghahanap ng mga paraan upang labanan ang mga cyber threat sa kabila na rin ng mabilis na takbo ng teknolohiya. | ulat ni Jaymark Dagala