Magtutulungan ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para pahusayin pa ang agricultural exports ng Pilipinas, at matugunan ang mga hadlang sa merkado.
Nilagdaan ng dalawang ahensya ang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong pataasin ang export sales ng mga pangunahing bilihin.
Kabilang dito ang saging, mangga, at seaweed, at isusulong din ang mga high-value crops tulad ng kape at cacao.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin din ng partnership na palakasin ang posisyon ng bansa sa mga pandaigdigang pamilihan.
Noong Setyembre 2024, umabot sa US$492.6 milyon ang agro-based exports o 8% ng kabuuang export ng Pilipinas, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Kasama sa inisyatiba ang mga stakeholder ng pribadong sektor, kabilang ang Philippine Exporters Confederation, Inc., at ang Philippine Food Processors and Exporters Organization, Inc. | ulat ni Rey Ferrer