DA, kumpiyansang makatutulong ang bentahan ng murang bigas sa pagbaba ng inflation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala ang Department Agriculture na makatutulong ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo kiosk sa mga palengke para mahatak papaba ang inflation sa bansa.

Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, tuloy tuloy na rin naman ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado

Inihalimbawa nito ang mga rice retailer sa Kamuning market na kinaya na ring makipagsabayan sa ₱40 kada kilong bigas na alok ng DA.

Sa ulat ng PSA, bumaba pa sa 5.1% ang rice inflation nitong Nobyembre mula sa 9.6% noong Oktubre.

Ayon din kay PSA National Statistician at Usec. Claire Dennis Mapa, pababa na rin ang trend ng rice inflation sa bansa mula pa noong Enero.

Inaasahan din ng PSA na patuloy na bababa ang rice inflation kahit sa buwan ng Disyembre. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us