Pursigido ang Department of Agriculture (DA) na ikalat pa sa buong bansa ang KADIWA Centers para pakapagbenta ng mura at abot kayang pagkain.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra, plano ng DA na maglagay ng KADIWA Stores sa lahat ng pangunahing palengke sa Metro Manila
Nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga rice retailer at ibang food producers para sa pagbubukas ng dagdag na KADIWA stores.
Sabi pa ni Guevarra na target ng DA ang mahigit isang libong KADIWA Center sa buong bansa.
Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa PhilPost para maglagay ng KADIWA stores sa mga Post Office at magamit ang asset ng PhilPost sa pagpapalawig ng operasyon nito
Asahan na rin sa susunod na linggo ang pag bubukas ng KADIWA center sa mga MRT at LRT stations.
Hindi umano nasimulan ang operasyon ng nga KADIWA stores sa MRT at LRT stations dahil inaayos pa ang polisiya para dito. | ulat ni Rey Ferrer