Tuloy-tuloy na ang dagsa ng mga pasahero sa mga bus terminal sa Quezon City, tatlong araw bago ang Pasko.
Sa JaC Liner Bus terminal na may biyaheng Southern Tagalog Region, maraming pasahero na ang naipon sa terminal.
Paliwanag ng dispatcher hindi agad-agad nakakalusot ang kanilang mga units dahil sa traffic sa mga dinadaanang lugar.
Kabuuang 130 bus units ang bumibiyahe ngayon, 60 dito ang karagdagang units na pinagkalooban ng Special Permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Samantala, ang ibang bus company naman sa Cubao ay fully booked na rin.
Puno na ang regular trips na may biyaheng Baguio, Cagayan, Nueva Ecija, Marinduque at Lucena.
Mahaba na rin ang pila ng mga chance passenger na nagbabakasakali na makakuha ng ticket at makasakay ng bus pauwi ng probinsya.| ulat ni Rey Ferrer