Umaasa ang Department of Environment and Natural Resources -National Capital Region na marami pang sektor ang makikilahok sa paglilinis ng mga estero at iba pang daluyan ng tubig sa susunod na taon.
Pahayag ito ni DENR-NCR Regional Executive Director Michael Drake Matias, matapos ilunsad ang ikalimang taon ng “Gawad Taga Ilog: Search for the Most Improved Estero in Metro Manila.
Tinawag itong “GTI 5.0” na layong muling pagtibayin ang pangako ng ahensya na maibalik ang sigla ng mga waterways sa tulong ng komunidad.
Naniniwala si Director Matias na ang aktibong suporta ng komunidad ang ikakatagumpay ng programang Gawad Taga Ilog.
Target ng programa na pataasin ang partisipasyon ng 16 na Lungsod at 1 Munisipalidad sa Metro Manila para mapabuti pa ang Solid at Liquid Waste Management, Informal Settler Families at Illegal Structure Management, Habitat at Resources Management gayundin ang Sustainability at Partnership Management. | ulat ni Rey Ferrer