Siniguro ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Caraga na napalitan ang mga kinuhang Family Food Packs o FFPs mula sa mga estratehikong bodega sa rehiyong Caraga na ipinadala sa bodega sa Bacolod City.
Binigyang-diin ng DSWD Caraga na mananatili ang kahandaan at sapat na suplay ng mga FFPs sa lahat ng mga bodega sa mga probinsiya ng rehiyong Caraga.
Matatandaang apat na libong FFPs ang ibiniyahe sa barko nitong Lunes patungong Bacolod City, at sinundan pa ito ng karagdagang 3,592 FFPs na inaasahang dumating kahapon sa Bacolod City, araw ng Pasko.
Sa talaan ng DSWD Caraga, kabuuang 7,592 FFPs ang naipadala ng DSWD Caraga bilang tugon sa pangangailangan ng mga inilikas na pamilya sa mga evacuation centers dahil sa pag-alburoto ng Mount Kanlaon sa Negros Islands. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan