Lumagda ang Department of Education (DepEd) at Land Registration Authority (LRA) sa kasunduan upang maresolba ang matagal nang isyu ng mga untitled properties na nagpapabagal sa pagtatayo ng mga paaralan at pasilidad.
Pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara at LRA Administrator Gerardo Panga Sirios ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) na layong gawing electronic ang mga manually issued na land titles ng DepEd.
Sa hakbang na ito, mapabibilis ang pagsasakatuparan ng mga proyektong imprastruktura at masosolusyonan ang kakulangan sa silid-aralan.
Ayon kay Angara, ang kawalan ng titulo ay nagdudulot ng kawalan ng seguridad o kinabukasan, dahil dito nade-delay ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan.
Samantala, binigyang diin naman ni LRA Administrator Sirios na ang naturang kasunduan ay makatutulong hindi lamang sa DepEd kundi maging sa kinabukasan ng mga kabataan. | ulat ni Diane Lear